Posted by: misterpedagog | July 5, 2009

Asa

Takot ako. Takot na takot.

Ayoko na munang umibig. Hindi pa siguro ako handa. Nagkakamali at nadadapa pa ako. Pakiramdam ko ang sakit sakit pa rin ng sugat na nakuha ko sa aking pagkadapa. Mahapdi ‘t kumikirot pa ito. Kasalanan ko  naman kung bakit ako nadapa. Sana lang inalalayan ako papatayo nung taong inasahan ko aalalay sa akin. Kaya lang hindi. Buhay nga naman, ganoon lang talaga siguro.

Kaya lang ang problema, di ko naman mapigilang umibig. Dalawang buwan na rin naman ang nakalilipas mula noong ako’y nagkamali at iniwan kaya ayan, tinamaan na naman ako. Ang problema, di naman niya ako gusto. Nakatutuwang isipin na lagi na lang ako nagkakamali lalu na sa mga taong aking natitipuhan. Katulad na lang nitong taong to–mabait, hindi mapanghusga, hindi mapagkunwari, masarap kausap. Ayun lang hindi niya ako gusto. Nakakatawa na lang isipin. Lagi akong nagkakamali.

Para akong ewan kung minsan. Pinapaasa ko yung sarili ko. Pinapaasang papatawarin pa, pinapaasang magugustuhan, pinapaasang mamahalin pero sa simula pa lamang ay malinaw na walang magaganap sa mga inaasahan kong ito. Komedi, hindi ba? Siguro sana’y na rin ako.

Heto ang totoong problema. Hindi ko na makita ang kahalagahan ng sarili ko kakaasa. Kaya minsan kung anu-ano na lang ang nagagwa ko.  Nakakahiya mang isipin ngunit parang di ako makatayo sa sarili kong mga paa pag dating sa pag-ibig.Alam ko namang matututo rin ako pero siguro matatagalan pa.

Ang hirap kasi umasa. Asa dito, asa doon. Asa sa kanya, asa sa sarili, asa sa panahon, asa sa suwerte. Kakaasa kahit sa sarili ko di na ako masyadong umaasa.


Responses

  1. awww…boffy…

    I’m not good with words..
    pero boffy mahalaga kaI’m sure to a lot of people…I’m one of those!(hehehe)
    hehehe..pareho nman tayo plus til(nandamay) la tau sumone special na ung super mkkpagpafeel na we’re that special..pero kung we will dwell on that naku baka mamental tayo…hehehe
    as always… pagibig tlga…hehehhe

  2. Luzsil i still love him :C

  3. hindi mo kelangang umasa para malaman mo ang halaga mo..

    U are important no matter what, you have friends and family to show u that..

    huwag kag tumigil sa pag-asa, it one of the things that can give color to life and gets you going,, to know where your actions and your hope would bring you…

    kaya nga pag-asa lang e kasi walang guarantee.. (if that makes sense).. pag-umasa ka ready ka sa outcome, positive or negative.


Leave a response

Your response:

Categories